Rock at Ribs, Lasapin ang Sarap ng Pilipinas sa Tony Roma’s at Hard Rock Cafe Japan!
Inihahatid ng kampanyang "LOVE THE PHILIPPINES" ang katakam-takam at pinaghalong lasa ng Pilipino at American classics sa Japan, salamat sa culinary collaboration sa pagitan ng Department of Tourism Tokyo at dalawang iconic na restaurant na mula sa U.S., ang Tony Roma's at Hard Rock Cafe. Matitikman hanggang katapusan ng Hunyo 2025, siguradong mabubusog sa mga reinvented Filipino favorites, makakatanggap ng mga eksklusibong regalo, at pwede ring manalo ng trip to Cebu!

Kakaibang Tuwa sa Hard Rock Cafe: Tunog, Sarap, at Tradisyon
Mula Mayo 19 hanggang Hunyo 15, 2025, ang Hard Rock Cafe ay maghahain ng mga Pinoy dishes na may rock n’ roll twist.
Mga Tampok sa Menu:
- Lechon Kawali Burger
– Malutong na lechon kawali sa burger na may beef patty at sawsawan. - Lechon Kawali & Rice
– Masarap na garlic rice, salad, at lechon sa isang plato. - Pork Sisig Nachos
– Paboritong Pinoy na sisig na ipinatong sa nachos! - Banana Cue & Ice Cream
– Banana cue sa stick na may whipped cream, niyog at vanilla ice cream.
♥ Libreng souvenir sa bawat order ng featured dish!
Mga Lokasyon:
- Hard Rock Cafe Tokyo (Roppongi)
- Ueno-Eki Tokyo
- Kyoto Gion
- Universal Citywalk Osaka
Pinoy x BBQ sa Tony Romaʼs: Lasapin ang Tradisyong Pilipino
Mula Mayo 19 hanggang Hunyo 30, 2025, ihahain sa Tony Roma’s ang mga pagkaing inspired ng tradisyong Pilipino na ginawang American BBQ style. Ito ay proyekto ng Philippine Embassy, Department of Tourism Tokyo, at Philippine Airlines.
Mga Tampok sa Menu:
- Sisig on the Rice
– Ginisang baboy na may hipon sa kanin, pwedeng balutin sa lettuce at isawsaw sa tomato salsa. - Caramel Banana Turon
– Crispy turon na may cinnamon flavor, may kasamang custard, whipped cream, at vanilla ice cream. - Cebu Breeze
– Cocktail na may rum, wild berries, at pineapple juice. - Island Cooler
– Non-alcoholic version ng Cebu Breeze para sa mga hindi umiinom pero gusto ng tropikal na lasa!
♥ Libreng regalo! Sa bawat order ng special menu, may exclusive “LOVE THE PHILIPPINES” gift – mamimigay hanggang sa maubos.
Mga Lugar:
- Tony Roma’s Roppongi (Minato, Tokyo)
- Sanbancho (Chiyoda, Tokyo)
- Makuhari WBG (Chiba)
- AEON Mall Kyoto
- Okinawa Mihama
Nasa Tony Roma’s Roppongi ang Nipino.com sa Mayo 27!
Makisaya kasama ang Nipino.com sa Tony Roma’s Roppongi sa Mayo 27! Tikman natin ang mga pagkaing Pinoy na may bagong anyo. Tara, sama na kayo!
Manalo ng Trip to Cebu – Instagram Campaign!
Sumali at may chance kang manalo ng round-trip ticket mula Narita papuntang Cebu!
How to Enter:
- I-follow @philippinetraveljp
- Mag-comment sa campaign post
- I-share sa IG Stories
Gamitin ang mga hashtags at tag sa baba
- #TravelToThePhilippinesWithTonyRomas
- #TravelToThePhilippinesWithHardRockCafe
- Tag @philippinetraveljp
Panlasang Pilipino Para sa Kultura
Ang kampanyang "LOVE THE PHILIPPINES" ay hindi lang tungkol sa pagkain—ito'y tungkol sa pagkakakilanlan, kasiyahan, at koneksyon. Sa pakikipagtulungan ng Tony Roma’s at Hard Rock Cafe, maipagmamalaki ang mga lutuing Pilipino sa Japan. Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang tikman, ibahagi, at ipagdiwang ang kakaibang sarap ng ating pamanang kultura.
Bisitahin ang tonyromas.jp and hardrockjapan.com para sa mas maraming impormasyon.
I-follow ang @philippinetraveljp
Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.